Bagoong ang isa sa
mag pinagmamalaking produkto ng Pangasinan lalo na ang Lingayen na ito ang
pangunahing produkto.
Dito nga sa Lingayen matatagpuan ang isang namumukod tanging
gawaan ng bagoong dahil sa kakaibang sarap at bango ng kanilang produkto.
Sa pagpunta namin sa JB Bernal Bagoong napatunayan ko na
talaga naming masarap at napaka mabango ng kanila ng bagoong. Kasama ang aking
production team pinatikim sa amin ni Mr. Daniel Jun Bernal ang kakaibang lasa
ng baggong ng lingayen.
Ayon kay Mr. Bernal ang sekreto ng masarap nilang bagoong ay
ang sariwang isda na kanilang ginagamit at sa tama at malinis na paggawa ng
kanilang produkto. Dahil nga sa kalidad ng bagoong ng JB Bernal malapit na
itong i-export sa ibat ibang parte ng mundo.
Maliban sa bagoong napakadami pang produkto ng JB Bernal ang
mapagpipilian na siguradong swak sa panlasa nating lahat. Meron silang alamang,
padas, monamon, patis at iba pa.
Kung gusto niyo din matikman kung gaano ka-linamnam ang
bagoong ng JB Bernal Bagoong pwede niyong bisitahin ang kanilang pagawaan sa
Don Claudio St., Pangapisan North, Lingayen Pangasinan.
Pwede din mag order at tumawag sa mga numerong ito (075) 662
-08-74 / 09175081220.