Isang patak ulam na!

Bagoong ang  isa sa mag pinagmamalaking produkto ng Pangasinan lalo na ang Lingayen na ito ang pangunahing produkto.


Dito nga sa Lingayen matatagpuan ang isang namumukod tanging gawaan ng bagoong dahil sa kakaibang sarap at bango ng kanilang produkto.


Sa pagpunta namin sa JB Bernal Bagoong napatunayan ko na talaga naming masarap at napaka mabango ng kanila ng bagoong. Kasama ang aking production team pinatikim sa amin ni Mr. Daniel Jun Bernal ang kakaibang lasa ng baggong ng lingayen.



Ayon kay Mr. Bernal ang sekreto ng masarap nilang bagoong ay ang sariwang isda na kanilang ginagamit at sa tama at malinis na paggawa ng kanilang produkto. Dahil nga sa kalidad ng bagoong ng JB Bernal malapit na itong i-export sa ibat ibang parte ng mundo.

Maliban sa bagoong napakadami pang produkto ng JB Bernal ang mapagpipilian na siguradong swak sa panlasa nating lahat. Meron silang alamang, padas, monamon, patis at iba pa.


Kung gusto niyo din matikman kung gaano ka-linamnam ang bagoong ng JB Bernal Bagoong pwede niyong bisitahin ang kanilang pagawaan sa Don Claudio St., Pangapisan North, Lingayen Pangasinan.
Pwede din mag order at tumawag sa mga numerong ito (075) 662 -08-74 / 09175081220.



     

No comments:

Post a Comment